Ni NITZ MIRALLES

TULOY si Kris Aquino sa pagbibigay ng inspirasyon sa followers niya.

Marami sa mga nakabasa at nakapanood ng video clip na ipinost niya sa social media ang na-inspire at bumilib sa pagiging propesyonal, pagmamahal at dedikasyon niya sa trabaho at pagsunod sa pinirmahang kontrata.

Ipinost kasi ni Kris ang video clip ng TVC shoot ng isang endorsement, ang eksena ay umuulan at ang nakakaloka, kinunan ‘yun ng alas-kuwatro ng umaga. Karamihan sa atin, mahimbing ang tulog sa oras na ‘yun pero si Kris, nagtatrabaho.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May mga nagtanong tuloy kung hindi kaya ng power ni Kris na mag-request na sa araw kunan ang eksena dahil Kris Aquino naman siya. May nag-comment din na milyong talent fee ang kapalit noon, pero hindi pa rin maaalis ang katotohanan na hardworker at professional si Kris.

“I was shooting this at 4 AM... Whenever exhaustion sets in I remind myself: I want to be where it isn’t traffic -- and that place is when you are willing to go further & aim higher when most everyone would have already given up. I used to play this song on repeat mode to remind me that all can never be lost -- because I had the FAITH to keep fighting on. Now I play it to remind myself how far I’ve come, with just a handful of loyal people who never stopped believing in me. I share my life experiences with you to hopefully inspire you to never give up, keep praying, stay positive & TRUST in God’s reward for unwavering faith. For everyone struggling -- just think of me & my life, and remember every fall, obstacle. KINAYA KO so I believe kakayanin n’yo rin.”

Ang mas nakakabilib pa nito, Sunday (kahapon), may 7:30 AM call time si Kris for another shoot na hindi binanggit kung para saan. Pagdating ng March, puno pa rin ang kanyang schedule.

Ang isa sa mga kapalit ng puyat at pagod ni Kris ay ang pagmamahal sa kanya ng mga anak na sina Josh at Bimby. Na-touch nang husto si Kris nang nalamang, hinintay siya nina Josh at Bimby hanggang 3 AM para lang masiguradong safe siyang nakauwi.

“I’m super touched by their love, and I value it more knowing it comes with respect & appreciation because they see I champion our truth that life needs for me to succeed day by day in being the sole responsible provider for us.”

Nabanggit pa ni Kris na si Bimby, pinilit matulog ng 3:30 AM sa paghihintay sa kanya. “He is the essence of unconditional love. Raquel told me -- pinilit niya to sleep at 3:30 AM because ayaw niya talagang matulog until I was safely home. Now he’s in bed, sleeping na rin -- hinabol na siya nu’ng pagod from having stayed awake 21.5 hrs just because he loves his mama. #blessedmom.”