Ni NITZ MIRALLES

Martin del Rosario
Martin del Rosario
NGAYONG Lunes na, pagkatapos ng The Stepdaughters, ang pilot ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na kasama sa cast si Martin del Rosario. Ginagampanan niya ang role at karakter ni Lawrence, best friend at rapist ni Thea (Yasmien Kurdi) na siyang nakahawa ng sakit na HIV dito.

“Bad ang karakter ko rito at gusto ko, kaya tinanggap ko agad nang sabihin ng manager ko (Arnold Vegafria) ang role ko. First time kong gaganap ng isang HIV+ patient at challenging siya sa akin, pero masayang-masaya ako dahil masu-showcase ang talent ko as an actor. Excited na ako sa magiging feedback ng viewers,” wika ni Martin.

Alam ni Martin na maraming viewers ang magagalit sa kanya at maba-bash siya pero nakahanda na siya sa galit ng tao. Ang galit at makukuhang mura ay katunayan na nagawa niya ng tama ang karakter ni Lawrence.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Nagkasama na sina Martin at Yasmien sa Rhodora X, it was a pleasant working experience raw at positibo siyang ganoon din ang mangyayari sa pagsasama nila sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na mula sa direction ni Neal del Rosario.

Masusukat ang kahusay ni Martin bilang aktor sa dalawang magkaibang role na ginagampanan niya sa mga project niya ngayon. Barako siya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka at transgender naman sa Born Beautiful na airing na sa May sa Cignal TV.