NAKIKIPAGTULUNGAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagpapabuti ng mga proyektong pang-industriya, sa ilalim ng Road Leveraging Linkages Evaluation Rating System (ROLLERS).

“DTI and DPWH joined forces to address the damaged and impassable roads leading to industries and trade development cities and towns in Calabarzon because we aim to have inclusive economic growth,” lahad ni DTI-Calabarzon Regional Director Marilou Q. Toledo.

Sa ilalim ang nasabing pagtutulungan, inatasan ang DTI-Calabarzon na pangasiwaan at pag-aralan ang mga potensiyal na road project, tukuyin, suriin ang importansiya at pangangailangan, at alamin kung maaari na itong ipatupad.

Nabuo ang pagtutulungan ng DTI at DPWH kasunod ng matagumpay na pakikipagtuwang ng DPWH sa Department of Tourism (DoT) sa Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) sa Calabarzon, na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bilang paunang hakbangin ng partnership, nagdaos ang dalawang kagawaran ng kanilang regional orientation sa Roads Leveraging Linkages of Industry and Trade (ROLL-IT) Program, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad, distrito, provincial planning and development office, at mga piling pribadong stakeholder o asosasyon sa rehiyon, nitong Pebrero 19.

Nakapaglatag na ang ROLL IT ng 229 na aprubadong proyekto sa buong mundo, na tinatayang aabot sa 502.1 kilometro, at nagkakahalaga ng P12.55 bilyon, para sa 2018.

Sa Calabarzon ay may walong ROLL IT projects na nagkakahaga naman ng P480 milyon: sa Dasmarinas City, Cavite; Cabuyao City, Laguna; at sa mga bayan ng Lopez, Alabat, Guinayangan, Gumaca, Atimonan, at Tagkawayan sa Quezon.

Napagdiskusyunan ng panel, na binubuo ng mga kinatawan mula sa Board of Investments, United States Agency for International Development, Calabarzon Regional Development Council, at National Economic and Development Authority-Region 4-A ang mga hinaing o mga opinyon ng mga makikibahagi sa paglalatag ng mga panukala para sa ROLL IT 2019.

Ang ROLL IT ay alinsunod sa mandato ng Pangulo, ang Ambisyon Natin 2040, sa pamamagitan ng Executive Order 05, s. 2016, na layuning gawing middle-class society ang mga lalawigan at lungsod, papaghusayin ang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino, at masugpo ang pagkagutom at kahirapan. - PNA