PINANGUNAHAN nina seven-time Philippine executive champion Dr. Jenny Mayor (kaliwa, unang grupo) at Philippine Executive Chess Association (PECA) Press Relation Officer Dr. Alfredo “Fred” Paez, at Canada-based Dr. Bong Perez at National Council on Disability Affairs Board Member James Infiesto ang ceremonial moves sa second leg ng Philippine Executive Chess Circuit nitong Sabado sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place in Ayala Avenue, Makati City.

PINATUNAYAN ni dating Mapua Institute of Technology (MIT) standout Arjoe Loanzon ang kanyang posisyon bilang isa sa Philippines’ top executive chess players matapos magkampeon sa 2nd leg ng Philippine Executive Chess Association (PECA) Alphaland National Executive Chess Circuit nitong Sabado, Pebrero 24, 2018 na ginanap sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place in Ayala Avenue, Makati City.

Tinalo ni Loanzon si former solo leader Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Machine department Engineer Ravel Canlas sa final round tungo sa six points sa seven outings.

Sa katunayan, sina Loanzon, Iligans’ Reynaldo ABA-A at Engr. Canlas na nagkamada ng 6.0 points subalit nakamit ni Loanzon ang titulo dahil na din sa superior tiebreak points.

Si Aba-a na nagwagi kay Nelman Lagutin ang sumegunda kasunod si 3rd placer Engineer Canlas sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament na pinangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines sa pangunguna nina Chief arbiter NA Ernie Gonzales at assistant arbiter NA Joey “Joie” Present kung saan ang tournament director ay si National Master (NM) Jerome Balico.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpakitang gilas din si Diwa Learning Systems, Inc. Audit manager Ricky Navalta matapos manaig kay 1st leg co-champion National Council on Disability Affairs Board Member James Infiesto ng Davao City para makasama si Maynilad Water Services top player Romie Lord Guerra sa two-way tie for fourth place na may tig 5.5 points.

Si Guerra, top player ng Adamson University sa kanyang College days ay ginulat si National Master (NM)Efren Bagamasbad sa iba pang top board results.

Nakopo ni Bagamasbad ang top Senior award habang si Canada-based Dr. Bong Perez ang nagwagi sa best dress award.

Ang mga nakapasok sa top 10 na may tig 5.0 points each ay sina Dandel Fernandez, Nelman Lagutin, Robert Amarrador, Atty. Cliburn Anthony A. Orbe at Stephen Reloj.