1

Ni RIZALDY COMANDA

DALAWAMPU’T pitong grupo ng streetdancers ang nagpasiklaban sa creative streetdancing competition nitong Sabado sa grand celebration ng 23rd Panagbenga Festival na may temang “Celebration of Culture and Creativity.”

Mas marami ang naging partisipante ngayon kumpara noong nakaraang taon, kaya’t libu-libong manonood ang nasiyahan lalo na’t pawang kilalang cultural streetdancers ang mga kalahok mula sa BLISTT area (Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan,Tuba,Tublay) at ang iba ay nagsipagmula pa sa labas ng Cordillera Region.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang college students ng Saint Louis University (SLU), na ilang taon bago muling lumahok ay nagpakita ng kahusayan sa performance at nanalo bilang grand champion sa open category, para sa kanilang theme na “Merchant of Baguio” at nagwagi ng premyong P250,000.

Pumangalawa ang grand champion noong nakaraang taon sa kaparehong kategorya, ang Tribu Tinungbo ng Pugo, La Union, na nag-uwi ng premyong P200,000. Pumangatlo naman ang Tribu Rambak ng Kalabasa Festival ng Umingan, Pangasinan at tumanggap ng gantimpalang P150,000.

Ang 11 pang kalahok, ang The Gardener’s Tribe of Madaymen, Kibungan, Benguet; the “Tribo Man-apit” (harvesters) of Puguis, La Trinidad, Benguet; Ayyoweng di Lambak (call for celebration) of Tadian, Mountain Province and the Dinamey Baguio Cultural Group; Baguio Binadang (helping hand) As Nan Batawa Cultural Dancers; Am-among (festival) Chi Umili of Bontoc, Mountain Province; Baguio Umili Ay Kalalaychan (elderly) Cultural group; I-Lubuagen Performing Group of Lubuagan, Kalinga province; Caba National High School, Shakrag Sadanga of Sadanga, Mountain Province Cultural Organization; Tribu Bugkalot of Aurora province at Chom-No Cultural Performing Group ng Tam-awan barangay, Baguio City, ay tumanggap ng tig-P30,000 consolation prize.

Sa limang contingent mula sa high school division, tinanghal na grand champion ang University of the Cordilleras High School Street Dancers Ensemble, na may premyong P200,000; pangalawa ang Baguio City National High School, may premyong P150,000, samantalang pumangatlo naman ang Pines city National High School, na may premyong P100,000. Ang non-winning group na Remnant International College at SLU Laboratory High School ay nag-uwi ng tig-P55,000 consolation prize.

Ang walong kalahok sa final showdown ng elementary drum and lyre ay pinangunahan naman ng Baguio Central School, pangalawa ang Apolinario Mabini Elementary School at pangatlo ang Manuel Quezon Elementary School, na tumanggap ng premyong P250,000;P2000,000 at P150,000., ayon sa pagkakasunod.

Ang non-winning participants - Tuba Central school; Josefa Carino Elem. School; Aguinaldo Elem. School; Dominican Mirador Elem. School and Jose P. Laurel Elem. School, ay may tig-P20,000 consolation prize.

Dagsa ang mga turista sa Baguio City upang saksihan ang iba’t ibang pagdiriwang sa Panagbenga na walang dudang isa na sa mga pinakabantog na festival sa buong Pilipinas.

[gallery ids="288885,288890,288889,288888,288887,288886,288891,288892,288893,288894"]