Golden State Warriors' Draymond Green, right, reacts as a foul is called against him next to teammates Stephen Curry, left, and Kevin Durant during the first half of an NBA basketball game against the Oklahoma City Thunder Saturday, Feb. 24, 2018, in Oakland, Calif. (AP Photo/Marcio Jose Sanchez)

OAKLAND, California (AP) — Handa na ang Golden State na makabalik sa No.1 ng West Conference.

Hataw si Kevin Durant sa naiskor na 28 puntos, habang kumana si Stephen Curry ng 21 puntos, siyam na rebounds, anim na assists at tatlong steals para sandigan ang Warriors sa 112-80 dominasyon sa Oklahoma City Thunder nitong Sabado (Linggos sa Manila).

Ito ang unang panalo ng Golden States laban sa Thunder ngayong season at nakabalik ang Warriors sa No.1 spot sa West standings.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, para kay coach Steve Kerr, ang depensa ang tunay na naging sandata ng Warriors.

Nalimitahan ng Warriors si Russell Westbrook sa 15 puntos, 12 rebounds at pitong assists para sa Oklahoma City.

LAKERS 113, KINGS 108

Sa Sacramento, naitala ni Kentavious Caldwell-Pope ang season-high 34 puntos para sandigan ang Los Angeles Lakers laban sa Kings.

Nag-ambag si Isaiah Thomas ng 17 puntos mula sa bench – sa kanyang ikalimang laro mula nang ipamigay ng Cleveland Cavaliers.

Kumasa sina Buddy Hield at Bogdan Bogdanovic na may tig-21 puntos sa Kings.

BLAZERS 106, SUNS 104

Sa Phoenix, ratsada si Damian Lillard sa naiskor na 40 puntos sa panalo ng Portland kontra Suns.

“Obviously, Damian was huge, showed his leadership, showed his talent,” pahayag ni Portland coach Terry Stotts. “We overcame a horrendous shooting night for most of the night and found a way.”

Nanguna si Devin Booker sa Suns na may 30 puntos.

JAZZ 97, MAVS 90

Sa Salt Lake City, balik sa winning track ang Jazz, sa pangunguna ni Donovan Mitchell na kumana ng 25 puntos, limang rebounds at limang assists, nang sibakin ang Dallas Mavericks.

Kumubra si Derrick Favors ng 14 puntos sa Utah (31-29), nagwagi ng 11 sunod bago nagapi ng Portland, 100-81, nitong Biyernes.

Nanguna si J.J. Barea na may 17 puntos habang tumipa si Dirk Nowitzki ng 12 puntos at 10 rebounds sa Mavericks (18-42).

Sa iba pang laro, nagwagi ang Boston Celtics sa New York Knicks, 121-112; tinalo ng Miami Heat ang Memphis Grizzlies, 115-89.