Ni Lesley Caminade Vestil

Natiklo ng mga tauhan ng Mandaue City Police sa Cebu ang anim na binatilyo matapos nila umanong gahasain ang isang 18-anyos na dalaga na nakisali sa kanilang inuman nitong Biyernes ng gabi.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang anim na hindi pinangalanang suspek na edad 16 at 17.

Ipinahayag ni Chief Insp. Wilbert Parilla, hepe ng Mandaue Police Station 5, na nangyari ang insidente sa apartment na inuupahan ng tatlo sa mga suspek sa Barangay Looc.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagkaroon, aniya, ng group project ang mga suspek, na pawang estudyante sa Grade 11, na nauwi sa inuman hanggang sa makisali sa kanila ang biktima at 21-anyos na kapatid nitong babae.

Nang malasing ang biktima ay pinagpahinga muna ito sa ikalawang palapag ng apartment hanggang sa mapansin ng kapatid nito na salitang umaakyat ang mga suspek hanggang matuklasan niya ang umano’y panghahalay ng anim sa kanyang kapatid.

Gayunman, natukoy sa pagsusuri ng doktor sa biktima na wala itong laceration sa ari.