Ni JIMI ESCALA

KABADO si McCoy de Leon nang dumating sa Resorts World last Sunday bilang isa sa mga nominado bilang New Movie Actor of the Year ng 34th PMPC Star Awards for Movies.

MCCOY_ copy copy

May nakapagbulong daw sa kanya na malakas naman ang laban niya pero hindi pa rin siya mapalagay lalo nang malapit nang tawagin ang winner sa nasabing katergorya.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Pero kahit hawak at nakamit na niya ang trophy nang siya nga ang manalo, hindi pa rin siya makapaniwala. Nasungkit niya ang nasbing award para sa pelikulang Instalado.

“Sa totoo lang, eh, hindi ko talaga inakala na mangyayari ito. Masayang-masaya ako, sobra talaga. Dati kasi nagpupunta lang ako sa Star Awards kasi gusto ko lang ma-inspire sa mga nananalong artista.

“Ngayon, eh, iba, ‘yung pakiramdam na tinawag ang pangalan mo bilang isang nominee at siyempre ‘yung pinalakpakan ka ng mga tao dahil pangalan mo ang tinawag bilang isa sa nanalo.

“Paakyat pa lang sa stage na parang iba ang pakiramdam na hawak mo ang trophy, iba at masayang-masaya ako.”

Unforgettable para kay McCoy ang gabing iyon at ang kauna-unahang tropeo na natanggap niya sa industriya ay itatabi raw niya sa pagtulog at magsisilbing inspirasyon sa career niya.

“Kahit nakakatawa, eh, itatabi ko ito sa pagtulong ko. Kukunan ko pa ng picture na katabi ko ang trophy. Ganu’n po kahalaga sa akin ang unang award ko. First award sa movie ko. Napakalaking bagay po nito sa akin, na kilalanin ang kakayayah ko. Hinding-hindi ko po ito makakalimutan,” pahayag pa ng Kapamilya actor.