torre copy

MULING nanawagan si chess legend Eugene Torre na magka-isa ang public at private sector upang palawigin ang interes ng mga kabataan na maglaro ng chess at malayo sa mga masamang bisyo.

Sinabi ni Torre, lumikha ng kasaysayan ng maging unang GM sa buong Asya sa Nice, France nung 1974, na ang chess ay isang paraan na magbibigay ng mga magandang values sa buhay.

“Si Benjamin Franklin, ang isa sa mga Founding Fathers ng United States, ay minsan nang ikinumpara ang chess sa buhay at tinukoy ang tatlong mahalagang morals sa chess: foresight, circumspection at caution, na siyang mahalaga din para maging matagumpay sa buhay,” pahayag ni Torre sa mga kalahok sa “Learn and Play Chess with the Masters” program ng ERJHS Alumni Sports Club sa Barangay N. S. Amoranto sa Quezon City nitong Pebrero 22.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Si Torre, na nagbida sa 15-board simultaneous exhibition matches lavsn sa mga piling student-participants, ay nagbigay pufay din sa namayapang FIDE president Florencio Campomanes, na birthday nun araw na iyun.

“Special day ito ngayon sa chess. Hindi lang nandito tayo ngayon para sa chess-simul at clinic na ito kundi ngayong araw ang 91st birth anniversary ng Father of Philippine chess, na si Canpomanes,” sabi ni Torre.

Nagpasalamat din ang 66-taong gulang na si Filipino champion sa patuloy na supirta sa chess nina Quezon City Councilor Onyx Crisologo, Barangay Chairman Von Yalong at ng ERJHS ASC president Ed Andaya ng Batch

Ang One Meralco Foundation nina Jeff Tarayao at Rolly Sol Cruz ay nagsagawa ng chess clinic katuwang sina FM Edgardo Garma at NM Efren Bagamasbad.

Ang Batch 68 ay isa sa mga bagong tagapagtaguyod.

Naging top performer naman sa naturang event si Jerry Labato ng Roberto Castor Rover Scout group.

Ang iba pang mga ASC officers sina Reuel Vidal, Jane Jimenez, Bess Maghirang, Roland Doncillo, Albert Andaya, Ramon Ypil, Roy Madayag, Michael de Castro, Joseph Magpantay at Richard Nell at Zeny Castor and Rene Baena, advisers.