Ni Jel Santos

Ipatutupad simula ngayong Linggo ang lane closures sa Marcos Highway na tatagal hanggang Oktubre, dahil sisimulan na ang pagtatayo ng Emerald Station ng Light Rail Transit (LRT)-Line 2, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inihayag ni Jose Arturo “Jojo” Garcia, MMDA OIC general manager, na simula ngayong Linggo ay isasara ang ilang lane sa Marcos Highway: 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga sa northbound tuwing Linggo at Lunes; eastbound, simula 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga tuwing Martes at Miyerkules; simula 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga, northbound tuwing Huwebes.

Tuwing Biyernes, sarado ang northbound lane ng Marcos Highway simula tanghali hanggang 5:00 ng umaga; habang simula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga naman tuwing Sabado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Starting Sunday, the westbound lane of Marcos Highway will be closed from 11 p.m. to 4 a.m. The construction, according to DMCI, will last until October 2018,” sabi ni Garcia.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga motorista na dumaan na lang sa Sumulong Highway, sa Gil Fernando o Tuazon, sa Ligaya, Dela Paz area, sa Ortigas Extension, at sa A. Bonifacio Avenue.