Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

8 a.m. Ateneo vs. UP (M)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

10 a.m. UST vs. NU (M)

2 p.m. Ateneo vs. UP (W)

4 p.m. UST vs. NU (W)

NAPANATILI ng Far Eastern University ang kanilang malinis na kartada at solong pangingibabaw sa men’s division matapos walisin ang University of the East, 25-15, 25-16, 25-22, kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa men’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

volleyball copy

Umiskor ng 12 puntos si John Paul Bugaon na kinabibilangan ng 11 attacks at isang block habang nagdagdag si Richard Solis ng 11-puntos upang pangunahan ang Tamaraws sa ikalimang sunod na panalo.

Dahil sa kabiguan, lalo namang nabaon sa ilalim ang Red Warriors na ginabayan ni UE UAAP board of managing directors representative Rod Roque na dating champion coach sa juniors division matapos magbitiw ang dati nilang coach na si Sammy Acaylar sa pagbagsak nito sa kanilang ika-6 na sunod na kabiguan.

Nanguna naman para sa Red Warriors sina Clifford Inoferio at Noel Alba na kapwa tumapos na may tig-8 puntos.

Sa ikalawang laban, umangat naman ang De La Salle Spikers sa patas na barahang 3-3, pagkatapos makalusot sa Adamson University, 25-20, 25-15, 24-26, 25-23.

Umiskor ng 22-puntos si Arjay Onia upang giyahan ang Spikers sa panalo.

Ang kabiguan, ang ikalima naman para sa Falcons kontra sa isang panalo.