Ni NITZ MIRALLES

MAY nakita kaming video nina Glaiza de Castro at Bela Padilla na kuha noong nasa Siargao sila nina Angelica Panganiban, nakaupo at kumakanta. Si Glaiza ang tumutugtog sa ukulele at sabay sila kumakanta ng A Girl Like You.

GLAIZA copy copy

Isa si Glaiza sa Kapuso stars na marami ang kaibigang Kapamilya stars, at isa sa best friend niya si Angelica. Sabay nga silang nagbabakasyon at sa nakaraang birthday ni Glaiza sa isang restaurant, dumating si Angelica na walang keber kahit siya lang ang Kapamilyang bisita ng una.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Hindi uso sa magkakaibigang ito ang network war. Dahil na rin siguro sa dati namang Kapamilya si Glaiza bago naging Kapuso.

Samantala, madalas nang ipalabas ang teaser ng Contessa na pinagbibidahan ni Glaiza at siya rin ang nasa title role.

Sa direction ni Albert Langitan, isa na ang karakter ni Glaiza bilang si Bea sa pinaka-challenging role na ginampanan ng aktres.

Palaban ang karakter ni Glaiza at bukod sa nakakaintrigang kuwento, marami ring aral na ibabahagi ang programa lalo na tungkol sa women empowerment.

“Nagsimula kasi siya na malinis naman ‘yung intention niya. Gusto niya lang mabuhay nang payapa. Gusto niya lang makatulong sa pamilya niya pero may mga bagay talaga at may mga tao na hahadlang para magawa niya o para makamit niya ‘yun,” sabi ni Glaiza sa isang interview.

Nabanggit din ni Glaiza na inakala niyang Encantadia na ang pinakamahirap niyang teleserye. Hindi niya akalaing mas doble ang hirap pagdating sa iyakan at pisikalan para maging makatotohanan ang dating ng eksena.