Ni Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Isang batang lalaki ang nalunod sa isang resort sa Gerona, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Ang nasawi ay kinilala ni PO3 Christian Rirao na si John Matthew Fedinato, ng Sitio Valdez, Barangay San Rafael, Tarlac City.

Ayon sa pulisya, nagtungo ang bata sa isang resort sa Bgy. Magaspac, kasama ang amang si Arnold Fedinato, at mga kaibigan nito, upang maligo dakong 1:30 ng hapon.

Probinsya

Babaeng hinihinalang lasing, nandura ng deboto ng Sto. Niño, nanakit din ng pulis!

Makaraan ang ilang minuto, nakita na lamang ang bangkay ng bata na lumulutang sa swimming pool.