HANDA nang magpabilib at magpaibig ang Kapamilya homegrown talent na si Klarisse de Guzman ngayong 2018 ngayong inilunsad na ang kanyang self-titled album, ang una niyang major project sa ilalim ng bago niyang record label, ang Star Music.

KLARISSE copy copy

Inilabas na ng The Voice of the Philippines season one second placer ang kanyang bagong album na naglalaman ng pitong Tagalog love songs tampok ang kaaya-ayang boses ng female balladeer.

Ang awiting Wala Na Talaga ang carrier single nito na siyang ginamit na theme song sa Kapamilya Asianovela na may titulong My Dearest Intruder.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Laman din ng album ng We Love OPM contender ang classic OPM hit na Paalam Na ng award-winning singer-songwriter na si Dingdong Avanzado. Bukod dito, mayroon ding siyang duet kasama si Morisette, ang IKaw Ay Ako na ginamit namang theme song sa Kapamilya Gold hit teleserye na Doble Kara.

Mapapakinggan din sa album ang Sana’y Tumibok Muli, na entry ni Joel Mendoza sa 2016 Himig Handog P-Pop Love Songs.

Kasama rin sa inabangang album na prinodyus ni Rox Santos ang mga awiting Sa Pangarap Na Lang na napapakinggan na sa radyo, Eto Na Naman Tayo, at ang Mahal Mo Pa Ba Ako.

Mabibili na ang Klarisse album sa halagang P250 sa ABS-CBN Store o sa @starmusicstoreph sa Facebook, o di kaya ay mag-download ng mga awiting mula dito sa digital stores. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.