PATULOY ang pagkilala sa ABS-CBN News na ang dalawang dokumentaryong ipinalabas ng ABS-CBN DocuCentral tungkol sa Marawi ay isa sa mga nominado sa 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films.

Michael Delizo copy

Nominado sa kategoryang Current Affairs ang ‘Di Ka Pasisiil episode ng Mukha documentary series ng ANC na gumamit ng mga kuha sa giyera at mga panayam nina Jeff Canoy at Chiara Zambrano ng ABS-CBN News na kumober doon.

Nominado rin sa kategoryang Coverage of a Continuing News Story ang dokumentaryong ‘Di Ka Pasisiil na ipinalabas sa ABS-CBN Sunday’s Best na kuha sa pagbabalik nina Jeff at Chiara sa Marawi upang alamin at pakinggan ang mga kuwento ng paghihirap at pagbangon ng mga sundalo at sibilyan doon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang iba pang lalaban para sa medalya sa NY Festivals ay ang Bandurria episode ng Local Legends (Cinematography) tungkol sa isang eksperto sa paggawa ng tradisyunal na gitara, at ang entry na To Love and To Serve (Station/Image Promotion) ng ABS-CBN Creative Communications Management na nagpahiwatig ng pagmamahal ng isang Kapamilya at ibinahagi ang karangalan ng ABS-CBN na makapagserbisyo sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo nito.

Bukod sa kanila, pinarangalan si ABS-CBN News reporter Michael Delizo sa unang UP Science Journalism Awards nitong Pebrero 17 para sa kanyang ulat sa bateryang naimbento ng mga mag-aaral na tinanghal na Best Science Story for Radio.

Dahil sa pagkilalang ito ay lalong tututukan ni Michael ang mga istoryang nagpapakita ng kahalagahan ng agham sa ating buhay.

“Gusto kong maging adbokasiya ang pagsulong ng siyensa at teknolohiya sa bansa lalo na ang pagbigay importansiya sa mas praktikal na aspeto ng disiplinang ito. Naging motibasyon para sa akin ang magbigay inspirasyon sa mga mag-aaral at tulungan mas maintindihan ang kanilang ginawang research,” aniya.

Kamakailan ay tumanggap ang ABS-CBN ng ikaapat na Best TV Station award mula sa Eastern Visayas State University-Ormoc City Campus (EVSU-OCC) Student’s Choice Mass Media Awards. Sa 17 awards na iginawad, labing-isa ang naiuwi ng Kapamilya Network kabilang ang Best News Program para sa TV Patrol, Best Morning Show para sa Umagang Kayganda, at Most Influential Public Service host para sa Failon Ngayon host na si Ted Failon.