Ni Liezle Basa Iñigo

CAMP MARCELO A. ADDURU, Tuguegarao City - Isasabak na ng Philippine National Police (PNP) ang aabot sa 580 baguhang pulis sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Region 2.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Regional Director for Administration Senior Supt. Petronelli Baldebrin sa pagdalo niya sa closing at badge of honor ceremonies ng PNP, sa Police Regional Office (PRO)-2 Grandstand.

Bago ito, aniya, sasailalim muna ang mga ito sa tatlong-buwang Basic Internal Security Operations Course (BISOC) para mahahasa sa larangan ng Counter-Insurgency Operations.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aniya, dumaan na ang mga ito sa isang taong Public Safety Field Training Program para na rin sa layuning matuldukan ang operasyon ng NPA sa rehiyon.