Ni Mina Navarro

Sa layuning pag-ibayuhin ang proteksiyon para sa mga overseas Filipino worker (OFW), nagtatag ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng OFW Command Center, na tutugon sa pangangailangan ng mga migranteng manggagawa para sa agarang tulong.

Sa Administrative Order No. 73 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang nasabing center ay patatakbuhin nang 24 oras at pitong araw sa isang linggo.

Ang nasabing center ang tatanggap ng mga reklamo o kahilingan ng mga walk-in person, email, text o telepono, sa mga usapin hinggil sa mga OFW.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tutugunan din ng center ang mga OFW na humihingi ng tulong sa pamamagitan ng media at mga referral, at handang tumanggap ng mga sumbong mula sa social media at online messaging.

“The operation of the Command Center will help ensure that all the concerns of our OFWs are attended to, especially if the incident involving them needed immediate action and assistance,” pahayag ni Bello.