Ni Nitz Miralles
SA presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nabanggit ni Yasmien Kurdi na in-invite siya ng Love Yourself Phiippines na magsalita at i-promote ang advocacy at campaign ng grupo na maging aware tayo sa HIV. Kaya, hindi lang sa interview, pati sa social media account ni Yasmien, may mga post siya tungkol sa grupo at sa kanilang campaign at fund-raising event.
“In-invite nila ako dahil sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na tungkol sa HIV at AIDS, kung makakatulong, bakit hindi. Sa pagsama ko sa kanila, marami akong natutunan. Nabuksan ang isip ko na hindi dapat i-judge ang mga taong HIV+ at may AIDS, kailangan nila ng pagmamahal at understanding,” sabi ni Yasmien.
Iniimbita ni Yasmien ang Kapuso viewers at kahit hindi Kapuso na panoorin ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na magsisimula ang airing sa Monday, February 26, 4:15 PM, pagkatapos ng The Stepdaughters.
“Sinisigurado naming lahat, kasama ni Direk Neal del Rosario at mga writer, marami kayong matututunan sa teleserye.
Mga do’s and don’ts para hindi magkaroon ng HIV and to be sure na tama ang mapapanood ninyo, aprubado ng Philippine National Aids Council (PINAC) ang script namin. Ipinapadala sa kanila ang script bago namin i-shoot for approval, tuluy-tuloy din ang research ng writers at may consultant sa shooting,” pagtatapos ni Yasmien.