NI Gilbert Espeña

NAGBANTA si dating world champion at mandatory challenger Juan Carlos Reveco na wawakasan niya ang pagiging kampeong pandaigdig ni Filipino boxer IBF flyweight champion Donnie Nietes at iuuwi niya ang korona sa kanyang bansa na Argentina.

Maghaharap sina Nietes at Reveco sa Linggo sa Forum, Inglewood, California kung saan sasabak din si Filipino American Brian Viloria laban sa walang talong si Artem Dalakian ng Ukraine para sa bakanteng WBA flyweight title.

“He (Nietes) has many accomplishments and this challenges me to excel more. I know that he is the longest reigning world boxing champion in the Philippines, having held titles longer than Manny Pacquiao and even the great Flash Elorde but I will end his reign,” pagyayabang ni Reveco sa Fightnews.com.

Amores magle-lechong manok business muna: 'Mapapa-knockout ka sa sarap!'

“But remember that I also has a very good record plus and I was a former world champion as well and I had fought many people with big resumes,” diin ng Argentinian na ngayon lamang lalaban sa United States.

“I don’t have a plan to lose and I intend to bring the belt home to Argentina,” dagdag ni Reveco. “The pressure is on Nietes to keep his title. Your country has a great champion in Nietes until Saturday.”

Napangiti na lamang si Nietes sa mga pahayag ni Reveco lalo’t marami siyang nakaharap sa lonang parisukat na nangakong patutulugin siya pero kabaligtaran ang nangyayari.

May rekord si Nietes na 40-1-4 na may 22 pagwawagi sa knockouts samantalang si Reveco na dating WBA light flyweight at flyweight champion ay may kartadang 39 panalo, 3 talo na may 19 pagwawagi sa knockouts.