Ni Reggee Bonoan

BINIRO namin kahapon si Sylvia Sanchez kung hindi siya paiitimin sa Hanggang Saan dahil para siyang bolang kristal sa liwanag lalo na kapag kasama niya ang ibang preso.

Hindi niya kami sinagot, dahil nakasalang yata sa taping ng serye nila.

Sa napapanood na kuwento ng Hanggang Saan, pansamantalang nakalaya si Sonya Alipio (Sylvia) nang payagan ng korte na mag-bail dahil ang bumaba sa homicide ang kaso niya at hindi murder. Ikinagulat ito ng kampo nina Jacob (Ariel Rivera) at Jean (Teresa Loyzaga).

'I was young, wild, and free!' Ellen Adarna inaming ‘hubadera’ siya noong 2016

Masaya ang mga anak ni Sonya na sina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) at mga kaibigan dahil muli silang magkakasama.

Hindi matanggap ng mommy ni Anna (Sue Ramirez) na nakalaya ang babaeng inaakalang pumatay sa asawang si Edward Lamoste (Eric Quizon), kaya nang makalakad na siya ay binalikan niya sa bahay nila sina Sonya (Ibyang) at binalaan na gagawin ang lahat para ibalik siya sa kulungan.

Pero hindi nagpasindak si Sonya dahil sinabihan niya si Jacob na ilalabas niya ang katotohanang ito ang nagpabagsak ng Educare.

Speaking of Educare, existing pala ang opisinang ito sa Edsa Shangri-La Mall dahil nadaanan namin ni Ateng Maricris Nicasio, Bossing DMB noong kumober tayo sa contract signing ni Kris Aquino sa Ever Bilena.

Kaya nagbiruan kami na hindi naman totoong nagsara ang Educare, eh. Iniba lang ni Jacob ang pangalan dahil naging Edu-Care Learning Center na imbes na Educare plan.

Balik Hanggang Saan, inusisa namin kay Sylvia kung magkokontra demanda si Sonya kina Jacob at Jean (Teresa).

“Hindi na, patayan na, abangan mo, panoorin mo!” sagot sa amin.

Anyway, masaya ang buong team ng Hanggang Saan dahil bukod sa mataas ang ratings nila ay pawang positibo ang feedback lalo na ngayong nakalaya na si Sonya (Sylvia) at handang maghiganti kina Jacob at Jean.