Ni Mary Ann Santiago 

May hanggang Abril 30 na lang ang mga party-list organization upang magparehistro at maghain ng manipestasyon para sa halalan sa Mayo 2019.

Alinsunod sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10245, itinakda na ng poll body sa naturang petsa ang deadline para sa paghahain ng petition for registration ng mga hindi pa rehistradong party-list groups.

Sa nasabing araw, kinakailangan na ring magsumite ng manifestations of intent to participate in the elections ang mga hindi rehistradong party-list group, coalition at organization, gayundin ang existing party-list groups, mga koalisyon at organisasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, pinaalalahanan naman ni Comelec Spokesman James Jimenez ang mga party-list group, rehistrado man o hindi, na kinakailangan pa rin silang magsumite ng manifestation.

Noong 2016 party-list elections, umabot sa 115 party-list group ang binigyan ng akreditasyon ng Comelec para lumahok sa halalan, at 46 sa mga ito ang nagkaroon ng puwesto sa Kamara.