Ni REGGEE BONOAN

PARANG teenager na kinikilig si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa pagbati niya kay Jodi Sta. Maria ng, “Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa” kahapong madaling araw.

Jolo at Jodi copy

Kung hindi pa opisyal na umamin si Jodi sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda ay hindi malalaman na mahigit six years na ang relasyon nilang dalawa.

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

Bagamat alam naman na ng publiko na magkarelasyon sila, hindi alam kung kailan nagsimula at kung ilang taon na silang magkasibtahan.

Pero natatandaan namin na may show sina Jodi at Richard Yap sa Butuan City noong Hulyo 27, 2013 nang sumunod si Jolo na walang bodyguard, dahil gusto raw niyang alalayan ang aktres. Sabi naman ni Jodi, okay lang siya dahil marami namang kasama.

Sa madaling sabi, mahigit isang taon na palang magkarelasyon noon sina Jolo at Jodi. Ngayon lang din namin isusulat na napaka-sweet nila noon pa man na parang high school students kaya nakakatuwa silang pagmasdan.

Matatandaang nagkaroon ng gusot ang dalawa pero agad din namang naayos dahil hindi yata nila kayang malayo sa isa’t isa, lalo na siyempre ngayong umamin na ang lead star ng Sana Dalawa Ang Puso.

Speaking of Sana Dalawa Ang Puso, inamin sa amin ng mga kaibigan namin sa Cavite na inaabangan nila ang morning teleserye nina Jodi, Richard at Robin Padilla dahil naaaliw sila kay Mona, ang titibo-tibong karakter ng aktres.

“Si Jodi parang peg si Jolo sa kilay kasi parehong makapal,” sabi sa amin. “Saka may kilos si Jodi na parang si Jolo.”

Ay, may ganu’n ba? Hmmm, sige pagmamasdan namin kapag nakita naming magkasama ang dalawa. ‘Yung sa kilay, puwede kasi pareho ngang makapal.

“Pero kapag naging si Liza na si Jodi, ang ganda-ganda, bagay talaga sila ni Jolo, first lady ng Cavite,” sabi pa sa amin.

Excite ang mga taga-Cavite sa next chapter ng love story nina Jolo at Jodi.

Sa totoo lang, nai-excite rin kami, di ba, Bossing DMB? Inaabangan natin kung kailan ang ‘big day’ nilang dalawa.