Ni Genalyn Kabiling

Hiniling ng isang grupo ng mga abogado sa Malacañang na tanggalin na sa puwesto si Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang matapos na hindi ito tumalima sa 90-araw na suspensiyon na ipinataw dito.

Naghain ng pinag-isang manipestasyon at mosyon sa Office of the President si Labor Undersecretary Jacinto Paras at mga abogadong sina Manuelito Luna, Eligio Mallari, at Glenn Chong.

“It is respectfully prayed of the honourable office to cause respondent Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur H. Carandang to be bodily or physically remove from office or restrained from the exercise thereof (for a period of 90 days counted from date of actual suspension), through the use of necessary and reasonable force,” saad sa manifestation.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iminungkahi pa ng complainants ang pagpapakalat ng tagapagpatupad ng batas (law enforcers) sa entry at exit points ng tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City upang pigilan si Carandang na makapasok sa kanyang opisina.

Enero 26 nang sinuspinde ng Malacañang si Carandang dahil sa grave misconduct at iba pang administratibong paglabag matapos ang hindi awtorisadong pagsisiwalat sa umano’y bank records ni Pangulong Duterte.

Binigyan naman si Carandang ng 10 araw upang tumugon sa nasabing kautusan.

Nag-ugat ang suspension order sa reklamong isinampa ni Paras at ng iba pang abogado noong Oktube 2017.

Sinabi pa ng mga complainant na sa kabila na natanggap ni Carandang ang kautusan ng Palasyo nitong Pebrero 1 ay tumanggi pa rin itong tumalima sa suspensiyon.