Ni Freddie C. Velez at ni Kate Louise Javier

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan - Sampung pinaghihinalaang drug pusher ang napatay ng pulisya, habang aabot naman sa P1.5 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na anti-drugs operation sa Bulacan, nitong Miyerkules.

Sa report ni Bulacan Police Provincial Office (BPPO) director, Senior Supt. Romeo Caramat, nakilala ang mga napaslang na sina alyas “Barik”, ng Guiguinto; Henry Binas, alyas “Kosa”; Dennis Espadero, alyas “Aba”; at isang “Diego,” ng Malolos City.

Napatay din sina Obet Hernandez, ng Pulilan; Robert James Camanian Hernani, ng San Rafael; Franklin Bautista Santos, ng Hagonoy; Erwin Manlapig, ng Bocaue; Juanito Calagos, ng San Jose Del Monte City; at isang alyas “Baboy”, ng Balagtas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isa naman ang naiulat na nasugatan at kinilalang si Reynan Lerio delos Santos, alyas “Boyet”, ng Marilao, habang aabot sa 63 ang naaresto sa operasyong inumpisahan ng Miyerkules ng madaling-araw at natapos ng Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Senior Supt. Caramat na naisagawa ang 45 buy-bust operation, isang pagsisilbi ng warrant of arrest, at tatlo naman ang implementasyon ng search warrant.

Bukod sa ipinagbabawal na gamot, nasamsam din ng pulisya ang

272 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, at walong sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana; 12 baril (10 .38 caliber, isang .22 caliber, at isang cal. 357) at mga bala ng mga ito.

Sa isa pang anti-drugs operation, nakumpiska naman ng mga tauhan ng Northern Police District (BPD) ang P1.5 milyon halaga ng ipinagbabawal na gamot mula sa limang umano’y drug supplier.

Ang mga suspek ay sina Alsamil Ismael, 18; Adih Aklabul, 18; Yasser Onggo; Almajar Pailan, ng Zamboanga City; at isang 17-anyos na lalaki.