Ni Fer Taboy

Posibleng hindi na makapagturong muli ang isang guro sa pampublikong paaralan nang madakip siya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa buy-bust operation sa Butuan City, Agusan del Norte kamakailan.

Nakilala ni PDEA chief Director Gen. Aaron Aquino ang suspek na si Marlon Villasor, alyas “Jinggoy”, 39, guro sa Butuan Central Elementary School.

Sa report nito, sinabi ni Aquino na nakatanggap ang PDEA ng impormasyon kaugnay ng umano’y talamak na pagtutulak ng droga ni Aquino sa lungsod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nang makumpirma, nakipagtulungan ito sa Butuan City Police at nagsagawa ng anti-drugs operation sa Sailor’s Pension House sa Barangay J.P. Rizal, Butuan City, na ikinaaresto ng suspek.

Nasamsam ng pulisya ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet may hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,000, at drug paraphernalia.

Sa pag-iimbestiga ng PDEA, matagal na umanong nagtutulak ng droga si Villasor at ngayon lamang natiktikan.

Sinampahan na rin si Villasor ng paglabag sa Sections 5 (sale of dangerous drugs), 11 (possession of dangerous drugs), at 12 (possession of drug paraphernalia) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Bukod dito, sinampahan din si Villasor ng kasong administratibo.