sevilla copy

Ni Gilbert Espeña

NAKOPO ni Philippine chess wizard at United States-based Julia Sevilla ang titulo sa 2018 Porter Ranch President’s Day Open Chess Championship kamakailan sa Porter Ranch, San Fernando Valley Region sa Los Angeles, California.

Nakakolekta ang 16-year-old Sevilla ng tatlong puntos mula sa tatlong panalo at isang talo para manguna sa four-round tournament.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Una munang nabigo si Sevilla kontra kay Arnel Odero sa first round subalit nakabalik sa kontensiyon matapos ang three straight wins kina Danilo Jorda, Alireza Fallahi at Jesse Turner tungo sa coveted title.

Sa katunayan sina Sevilla at Turner ay tumapos na may parehong 3.0 puntos, ngunit nakamit ni Sevilla ang titulo dahil sa superior tie break points.

Nagpakitang gilas din si United States Chess Federation (USCF) master Ruben Ondangan, isang Filipino pastor sa Lancaster, California na nakamit ang third place honor nang magwagi kay fellow 2.5 pointers at isa pang United States Chess Federation (USCF) master Craig Anderson sa tie break points.

Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina Arnel Odero, Eric Andy Woo, Alireza Fallahi, Fernando Sevilla, Antonio Alindogan Jr. at Danilo Jorda.

Nitong Hulyo, nakamit ni Sevilla ang $12,000 year scholarship kung nais niyang mapasama at mag enroll sa Webster University sa St. Louis matapos magkampeon sa SPF Girls’ Invitational tournament hango sa pangalan ni world chess champ Susan Polgar.

Nitong Setyembre ay nasilayan si Sevilla sa 2017 World Youth Chess Championship sa Montevideo, Uruguay. Sa kabuuang 60 competitors tumapos siya ng 34th place.