TINALO ni Philippine chess wizard Antonella Berthe Murillo Racasa ang lahat na nakatunggali sa kakaibang simultaneous chess exhibition nitong Miyerkoles.
Ang 10 Boards Simutaneous Chess Exhibition ay ginanap sa Marikina Christian Integrated Schools kasabay ng pagdaraos ng 28th Foundation Day sa nasabing school.
May 10 katao na nakalaban si Racasa kung saan tinalo niya lahat na mag-aaral ng Marikina Christian Integrated Schools ayon kay Concepcion Dos Chess Club tournament organizer Pastor Ranier Pascual.
Kilala sa tawag na Tonelle sa chess community, nagwagi siya ng tatlong ginto, dalawang silver sa Asean Master Title sa 18th ASEAN Age Group Chess Championship na ginanap sa Grand Darul Makmur Hotel sa Kuantan, Pahang, Malaysia nitong Disyembre.
Si Tonelle ay abala sa kanyang pagsasanay kay personal coach National Master (NM) Efren Bagamasbad bilang paghahanda sa kanyang International Tournament na tinampukang Asian Youth School Chess Championship 2018 sa Abril 1 hanggang 10, 2018 na gaganapin sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiangmai, Thailand.
Target ni Tonelle na masikwat ang youngest Woman Fide Master (WFM) title na suportado nina Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, president ng newly-formed Philippine Executive Chess Association (PECA) at treasurer ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, Herma Group CEO at chairman Hermie Esguerra at sportsman Reli de Leon.