Ipinag-utos kahapon ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar kahapon kay Las Piñas Police Chief Senior Supt. Marion Balonglong na panatilihing maaasahan ang mga pulis 24-oras upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at mapigilan ang kriminalidad sa siyudad.

Ito ang direktiba ng alkalde kasunod ng pagsalakay kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y drug den sa Barangay Manuyo Uno, at dahil sa iniulat na insidente ng pagnanakaw at krimen sa residential areas.

Gayundin, nagbigay siya ng direktiba sa mga opisyal ng barangay na pakilusin ang mga barangay tanod, sa pakikipagtulungan sa pulisya, na magbantay at magpatrulya sa kani-kanilang lugar.

“Police visibility and accessibility on the streets and communities through police patrols, especially fixed and foot patrols, are the best options because the bedrock of proactive policing patrols is to deter and prevent the crimes from happening rather than waiting for it to occur,” ani Aguilar.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Umapela rin si Aguilar sa mga asosasyon ng mga maybahay na makipagtulungan sa kanilang barangay upang mapigilan ang mga kahina-hinalang elemento sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, iniulat naman ni Senior Supt. Balonglong ang pagbalasa sa mga hepe ng Police Community Precinct (PCP) upang mas maging epektibo ang pulisya sa lungsod.