Ni REGGEE BONOAN

NAKATSIKAHAN namin ang TV executive na naging malapit kay Kris Aquino na kinumusta niya sa amin, dahil base raw sa mga nababasa niya ay maganda ang nangyayari sa career at negosyo niya sa rami ng endorsements.

KRIS_isa lang po, hehe..

Tumango kami at sinabing umabot na sa 42 ang brand partnerships ni Kris at ‘yung iba ay napapanood sa sarili niyang websites.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Oo nga, pakisabi natutuwa ako for her,” napangiting sabi ng TV exec.

Ilang taon nang wala sa telebisyon si Kris, pero hindi ito naging hadlang para patuloy siyang pagkatiwalaan ng napakaraming top companies sa bansa natin. Sa katunayan, mas dumami pa ang mga produkto na tinutulungan niyang mapalakas ang marketing.

Pinagtatakhan nga ng Google/YouTube at Facebook/Instagram na gayong mas maliit ang followers niya sa FB (1.2M), Instagram (3.4M), Twitter (1.5M) at YouTube (156,450) kumpara sa iba, hamak namang mas multi-million ang engagement sa accounts niya. Ayon sa kinausap naming social media expert, dahil daw ito sa “organic” na followers ni Kris.

Ibig sabihin, pawang totoong tao ang followers niya, hindi kagaya sa iba na nagbabayad daw sa mga bagong online company para dumami ang followers at likes.

‘Kaloka, mayroon na palang ganito sa mundo!

Anyway, dahil patuloy na lumalaki and Kris Cojuangco Aquino Productions ay kinakailangan na niyang magdagdag ng mga empleyado. Sa post ni Kris kamakailan, naghahanap siya ng bagong empleyado sa mga bakanteng posisyon.

“Our #LoveLoveLove family is GROWING! Be part of Team KCAP, Junior Producer, Video Editor, at Transcriber / Subtitler. Send in your resumes (and/or portfolio, if available) to [email protected].”