Ni NITZ MIRALLES
IN-ANNOUNC E pa lang na magkakaroon ng public screening ang Citizen Jake, nagkagulo na ang fans nina Direk Mike de Leon at Atom Araullo. Ang nabasa namin, dalawang public screening ang naka-schedule sa Cine Adarna sa UP Diliman sa March.
Ang una ay sa March 10, at nakalagay na invitational screening ito at iyong March 13 ang public screening. Malinaw na ang isa una ay invitational screening kaya para lang sa imbitado samantalang ang hindi maiimbita ay doon na sa public screening maaaring manood.
Ang hindi nabanggit ay kung magkakaroon ng commercial run ang Citizen Jake dahil marami ang gustong manood ng comeback movie ni Direk Mike at acting debut ni Atom. Kahit sinabi ni Atom na hindi siya artista at hindi niya ipu-pursue ang acting, gusto pa ring mapanood ng kanyang fans ang pelikula.
Siyanga pala, narinig namin, may gagawing bagong show si Atom under GMA News and Public Affairs. Solo show niya ito at weekly, mas madalas siyang mapapanood kaysa I-Witness na lima silang nagpapalitan sa pagre-report.