Ni Mina Navarro at Genalyn Kabiling

Magkakaroon ng job at negosyo fairs ang Department of Labor and Employment (DoLE) kasabay ng selebrasyon ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power sa Linggo, Pebrero 25.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang aktibidad ay may temang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” (TNK) job and negosyo fair na gagawin sa Quezon City Hall grounds.

Tampok sa job fair ang 5,000 trabahong lokal at sa ibang bansa, na lalahukan ng 15 employer at recruitment agencies.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sasabayan din ang aktibidad ng pamamahagi ng mga iDOLE OFW card.

Kabilang sa trabahong iaalok ang para sa sales associate, management trainee, cashier/counter checker, accounting assistant, graphic artist, account sales executive, helper, IT programmer, sales administrative assistant, buyer, carpenter, installer, mechanical engineer, merchandising assistant, painter, at plumber.

Ilan sa mga posisyon na maaaring aplayan sa ibayong-dagat ay waitress, ground steward, nurse, midwife, medical technologist, engineer, surveyor, electrician, technician, pipefitter/plumber, carpenter, driver, factory worker, sales staff, programmer, air traffic controller, barista, laborer, at cook.

Samantala, hindi naman pipigilan ng pamahalaan ang sinumang indibiduwal o grupong makikilahok sa ilulunsad na kilos-protesta sa Linggo.

Idinahilan ni Presidential Spokesman Harry Roque na iginagalang ni Pangulong Duterte ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagtitipon.

“It is celebrated. As you know, it is a public holiday. As far as the President is concerned, people have the right to resort to their right to peaceful assembly. Hindi sinusupil. We welcome any and all protest that day,” sinabi ni Roque sa press conference sa Sara, Iloilo.

Gayunman, sinabi ni Roque na hindi makadadalo sa aktibidad sio Pangulong Duterte dahil nasa Davao City ito sa Linggo.

Sinabi naman ni Pastor Boy Saycon, miyembro ng EDSA People Power Commission, na imbitado sa okasyon ang mga dating presidente na sina Fidel V. Ramos at Benigno Aquino III, si Vice President Leni Robredo, at iba pang opisyal ng pamahalaan.