Ni Jimi Escala
WALANG dapat ikabahala si Robi Domingo hinggil sa pagpo-post niya ng video nina Liza Soberano at Daniel Padilla habang nasa backstage ng ASAP last Sunday.
Na-guilty kasi si Robi after i-post ang nasabing video.
“Ang daming nagsasabi sa akin, even ‘yung Star Magic to do something about it. Ako kasi, why should I feel guilty, kasi kilala ko naman lahat, I mean, magkakaibigan kami at sobrang magkapamilya.
“Kaya I feel na I don’t have to apologize for something I did kasi wala namang malicious intent ‘yun. Kumbaga, walang ibang intensiyon ako doon,” sey ni Robi.
Kuwento pa ng binata, sasabihin dapat ni Liza sa ASAP na last three weeks na lang ang La Luna Sangre pero nakiusap sa kanya ang young actress na siya na lang ang magsabi nito.
“Sabi niya, ‘Okay lang ba, Kuya Robi na ikaw na ang masabi, para hindi raw siya ma-bash ng mga KathNiel. So, may issue pala, I didn’t know na may ganu’n silang conflict,” naiiling na banggit ni Robi.
Pagdating nila sa backstage, sinabi niyang, ‘O, Liza, may gusto kang sabihin kay Daniel?’ Hindi ko rin talaga alam na dahil doon ay marami na ang naka-misterpret na mga fans nina Daniel at ni Katryn.”
Nakahinga ng maluwag si Robin nang tawagan siya nina Liza at Kathryn at nagsabing huwag siyang mag-alala dahil alam daw nila ang totoong nangyari.
“It’s okay, it’s all good kasi alam ko ‘yung totoo,” mensahe ni Robi Domingo para sa lahat fans ng LizQuen at KathNiel.