Ni Jimi Escala

INISNAB ni Nora Aunor ang katatapos na 34th PMPC Star Awards for Movies. Siya dapat ang mag-aabot ng tropeo sa pinaranglan ng Ulirang Artista na si Ms. Gina Alajar.

Nora copy

Marami tuloy ang nagtataka kung ano ba talaga ang pinagkaabalahan ngayon ng ina nina Lotlot de Leon at Ian de Leon.

Tsika at Intriga

Robi Domingo, naurirat sa naging 'heated encounter' nila ni John Lloyd Cruz

Kung noong mga nakaraang taon ay sunud-sunod ang mga ginagawang indie movies ni Nora kagaya ng Kabisera, Tuos, Hinulid, Whistleblower at iba pa, mag-iisang taon na ngayong wala siyang project.

Nagpaliwanag naman agad ang aming kaibigang Noranian na may inasikaso raw si Nora kaya hindi siya nakasipot sa awards night. Naglalagi raw si Nora ngayon sa Iriga, ang kanyang hometown sa Bicol. 

Ibinalita rin sa amin na may bagong project si Nora na tiyak na ikakatuwa ng Noranians.

“Huwag lang silang mainip dahil mapapanood na muli nila ang Superstar sa isang TV drama,” sey ng kausap namin.

Pumayag na raw si Nora na magbalik-telebisyon, tinanggap nito ang isang Lenten presentation ng Tape Productions na ipapalabas sa Holy Week sa time slot ng Eat Bulaga.

Makakasama ni Nora sina Pia Guanio, Ryzza Mae Dizon at iba pa sa direksiyon ni Ricky Davao. Nakapag-taping na si Nora para sa naturang episode, sabi pa ng source.