SA unang pagkakataon sa nakalipas na 55 taon, pinag-isa na ang tanggapan ng Philippine Stock Exchange (PSE), matapos itong lumipat sa bago at glamoroso nitong headquarters—ang PSE Tower sa Bonifacio Global City.
Bongga ang pagsisimula ng taon para sa PSE nang isabay sa unang araw ng trading nito ang unang araw nito sa bagong opisina, sa unang araw ng Lunar New Year, siyempre pa ay sa tulong ng mga eksperto sa feng shui—dahil maraming mamumuhunan ang kung hindi man Asyano at regular na kumokonsulta sa mga nasabing eksperto.
Ang kalakalan ng stocks sa Pilipinas ay isa sa pinakamatatanda sa Asya, tuluy-tuloy ang operasyon simula nang maitatag ang Manila Stock Exchange (MSE) noong Agosto 8, 1927. Gayunman, humiwalay ang ilang broker upang itatag ang Makati Stock Exchange (MkSE) noong Mayo 27, 1963.
Bagamat pare-pareho lamang ang stocks ng mga magkakatulad din na kumpanya na sumasailalim sa trading ng MSE at ng MkSE, ang bourse o European stock exchange ay nakahiwalay sa nakalipas na halos 30 taon at ang minsan ay nagiging matindi ang paligsahan ng dalawa, bagamat maraming nakikinabang sa sitwasyon dahil sa arbitrage, sa pagbili ng stock sa mas murang exchange para ibenta sa ibang stock market kapag tumaas na ang presyo nito.
Gayunman, dahil dito ay marami ang nalito sa stock trading, partikular na ang mga dayuhang mamumuhunan, dahil maaaring magsara ang isang stock trading sa magkaibang presyo sa loob ng isang araw. Dahil dito, nagpasya ang gobyerno na mamagitan at iniatas ng Securities and Exchange ang pagiging isa ng MSE at MkSE.
Maaaring simple lamang ang dating nito, pero hindi—ang pagiging magkaribal ng mga broker sa Maynila at sa Makati brokers ay nadagdagan pa ng parehong pagpupursige ng dalawang real estate firm para sa karangalang maitirik ang pinag-isang tanggapan sa kanya-kanyang teritoryo.
Hangad ng Ayala Land na mapanatili ang stock exchange sa Makati na natural lang na kinatigan ng mga dating kasapi ng MkSE, habang sumuporta naman ang mga miyembro ng MSE sa Philippine Realty Holdings Corporation, na nais na isulong ang reputasyon ng Ortigas CBD sa paglilipat ng PSE roon.
Kalaunan ay naresolba rin ang usapin, nang magbukas ng mga tanggapan at trading floors ang PSE sa Makati at Ortigas (Tektite), dahil na rin sa bagong teknolohiya na nagpapahintulot sa electronic link ng dalawang trading floors upang magkaroon na lamang ng iisang presyo sa bawat stock sa anumang panahon. Paalam na sa arbitrage!
Nangangahulugan din ito na mas umunlad pa ang PSE sa pagkakaroon ng dalawang donasyong tanggapan na maaari nitong gawin ang kahit na ano makaraang okupahin sa loob ng 10 taon. Bago pa natapos ang 10 taon, nag-alok din ng libreng opisina ang CBD—sa Bonifacio Global City—na kontrolado naman ng Metro Pacific Group.
Ngayon, makalipas ang ilang taong pagkakaantala, dahil na rin sa pagbebenta sa Ayala Land ng kontrol sa BGC, napag-isa na rin sa wakas ang PSE. Gayunman, hindi na kailangang lumipat pa ang mga broker sa pinag-isang trading floor dahil maaari namang gawin ang trading sa loob ng kani-kanilang opisina, sa kani-kanilang personal computer, habang ilang brokerage ang nagtayo na ng sarili nilang trading rooms.
Subalit hindi rito nagtatapos ang lahat para sa PSE Board. Nahaharap ito ngayon sa bagong hamon dahil kailangan nitong bawasan ng 20 porsiyento ang ownership ng mga stock broker sa kalakalan, alinsunod sa batas.
Ang pagtalima sa limitasyon ng ownership ay magbibigay din ng pagkakatalon sa PSE upang magkaroon ng fixed income bourse, ang Philippine Dealing and Exchange Corporation (PDEx), at isama ito sa para mapag-isa ang equities at bonds markets.
Isa itong matinding hamon dahil muling namamagitan ang gobyerno, sa tulong ng Finance Department, makaraang ideklara na nais bilhin ng pamahalaan ang PDEx kasunod ng pagpapahayag ng kawalang pasensiya sa matagal nang naipagpapalibang pagtalima ng PSE sa 20 porsiyentong ownership cap.
Hindi pa tapos ang kuwentong ito, at nakaantabay ang mga market watcher sa pinaplanong stock rights offering ng PSE kaugnay ng pagbabawas ng mga broker at pagtiyak na tatalima ang mga stock trading sa ownership cap. Lulitang ngayon ang katanungan kung sapat ba ito upang maaprubahan ng SEC ang acquiring at merger ng PSE sa PDEx? O itutuloy pa rin ng gobyerno ang plano nitong bilhin ang fixed income exchange?
Sabik na nating inaabangan ang kahihinatnan ng kuwentong ito.