Ni Francis T. Wakefield

Inihayag nitong Martes ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “uncalled for” ang binitiwang salita ni Presidential Security Group (PSG) Commander Brig. Gen. Lope Dagoy laban sa Rappler reporter na si Pia Ranada, na dapat magpasalamat ang huli na hindi ito sinaktan ng mga tauhan ng PSG, na pumigil dito sa pagpasok sa Malacañang, dahil sa pangungulit ng mamamahayag.

Sa pahayag, sinabi ni Lorenzana na ang komento ni Dagoy ay wala sa lugar.

“That remark is uncalled for and really off the mark. Whatever the Rappler’s offense the PSG had no right to harm Rappler’s people nor threaten them,” lahad ni Lorenzana.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Una rito, nagbitiw umano ng salita si Dagoy na magpasalamat pa si Ranada sa PSG na pumigil ditong pumasok sa Malacañang, dahil hindi ito sinaktan dahil sa paulit-ulit na pagtatanong.

Kalaunan ay kinilala ang tinutukoy na tauhan ng PSG na si Corporal Marc Anthony Cempron.

“Huwag ninyo ganunin, sumusunod sa orders lang ‘yan. Pasalamat kayo hindi kayo sinaktan sa pagbabastos na ginawa n’yo,” giit umano ni Dagoy, nang makapanayam si Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon naman sa bagong talagang Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman na si Brig. Gen. Bienvenido Datuin Jr., ang anumang ginawa ng PSG ay sa utos ni Gen. Dagoy.

“Because he is a commander himself, he has to set his own policies, guidelines, camp rules and regulation. And iyon ay ano na natin ‘yun commanders prerogative, commander’s prerogative on certain instances that we’re not privy,” paliwanag ni Datuin.