Sanya_Thea_Pancho_Rocco (2) copy copy

SUCCESSFUL ang lampas kalahating taon na itinakbo ng top-rating Afternoon Prime series ng GMA Network na Haplos.

Ngayong nasa finale week na ito, ibinahagi ng lead stars ang mga tumatak na alaala nila sa serye.

Para kay Sanya Lopez, na gumaganap bilang Angela, hindi niya malilimutan ang bonding at camaraderie nila sa set.

Big Brother narinig boses sa ginanap na GMA, ABS-CBN contract signing

“From crew to director, to all the artists, lahat talaga magkakaibigan at lahat kumukilos para mapaganda pa ‘yung Haplos,” aniya at idinagdag na malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa serye nila. “Nu’ng una, kinakabahan talaga ako at hindi ko in-expect na mae-extend kami nang mae-extend. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa lahat ng nanood at sumuporta sa amin.”

Enjoy din si Thea Tolentino ang karakter niya bilang ang kontrabidang si Lucille. “Mami-miss ko yung mga eksena lalo na pag nagungulam si Lucille kasi bihira lang ‘yung ganung experience sa buhay mo ’di ba? Masaya lang kami, parang isang barkada lang talaga kami,” wika niya.

Si Pancho Magno na gumaganap bilang si Benedict ay umamin na isa ang Haplos sa mga pinaka-memorable na serye sa kaniya, “Kasi medyo full-on drama and maraming scenes na never ko pa nagawa. Most of the scenes kasi intense so talagang nakakatulong siya to improve our skills as actors.”

Si Rocco Nacino naman o Gerald sa serye ay pinuri ang mga co-stars niya. “With Sanya, kahit nakakapagod, nandun lagi ‘yung enthusiasm niya na gusto pa niyang mag-improve, very raw, very inspiring. Si Thea naman sobrang galing na kontrabida! Ang daming galit sa character niya. I mean, this whole experience of working together and having fun, ang sarap mag-trabaho sa ganitong environment eh,” ika niya.

Sa kuwento, wala pa ring humpay ang galit ni Lucille kay Angela. Mahahabol ni Lucille si Angela at mahahampas ang tiyan nito, bagay na magiging dahilan ng pagdudugo ni Angela at ikakatakot niyang baka may mangyaring masama sa baby niya.

Wala na ba talagang makakapigil kay Lucille? Paano ito malalampasan ni Angela? At sa huling laban nilang dalawa, makakayanan ba ni Angela na puksain ang kasamaan ni Lucille?

Huwag papalampasin ang finale week (February 19-23) ng Haplos pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.