Ni Ellson A. Quismorio

Tinawag kahapon ni Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio “Tony Boy” Floirendo Jr. na pinakabagong “abuse of power” ng dating matalik na kaibigang si House Speaker Pantaleon Alvarez ang pag-iisyu ng Sandiganbayan ng arrest warrant laban sa kanya sa kasong graft.

‘The...filing of graft charges against me before the Sandiganbayan and the subsequent issuance of the the warrant of arrest in connection with the BuCor-Tadeco deal is a clear sign of the existence of abuse of power and arrogance on the part of the Speaker,” lahad ni Floirendo sa pahayag.

“While I welcome the hastily filed complaint I would like to point out that this transgression on the part of the Speaker is not only political but a veiled attempt at grabbing the deal for his business and personal interest,” dagdag niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pag-aari ni Floirendo ang Tagum Agricultural Development Company Inc. o Tadeco, na isa sa pinakamalaking plantasyon ng saging sa mundo, kaya naman tinagurian siyang “Banana King.”

Ginagamit ni Tadeco ang lupa ng Davao Penal Colony para sa kanyang negosyo, na nakasaad sa 25-year joint venture agreement (JVA) nito sa Bureau of Corrections (BuCor). Nilagdaan ang kontrata sa lupa noong 2003, ngunit nakita sa mga record na nakipagtransaksyon na ang Tadeco sa gobyerno, simula pa noong dekada ‘60.

Kinondena ni Alvarez, na kinatawan ng unang distrito ng Davao del Norte, ang JVA sa pagiging gahaman at mapanlamang sa bansa, bukod sa pagiging ilegal. Sa kanyang taya, kikita umano ang gobyerno ng kabuuang P25.464 bilyon sa naluging kita kapag naputol na ang hindi patas na transaksiyon.

Sa kanyang pahayag, nanindigan naman si Floirendo na legal ang JVA.

Aniya, hindi nakabibigla ang pag-isyu sa kanya ng warrant or arrest “because no less than the Speaker...made this public even before the warrant was issued.”

Sa warrant ay pinaglalagak siya ng P30,000.

“I am ready to face this case as this will give the opportunity to clear my name. My only hope is for the Speaker to insulate the courts from his established brand of maneuvering and undue influence,” buwelta niya kay Alvarez.

Dating matalik na magkaibigan sina Alvarez at Floirendo ngunit nagkasira nang mag-away sa publiko ang kani-kanilang nobya sa Bacolod noong 2016. Simula noon ay binatikos na ni Alvarez si Floirendo.