HINDI pahuhuli ang Team CCN Superteam sa pagsikad ng LBC Ronda. Ang malaking dahilan ay ang presensiya ni Irish Valenzuela.

Vaelnzueka copy

Puntirya ni Valenzuela na mabawi ang korona na huling niyang naiuwi may limang taon na ang nakalilipas sa muling pagarangkada ng pamosong 2018 LBc Ronda Pilipinas sa Marso 3-18 na magsisimula sa Vigan, Ilocos Sur at magtatapos sa Filinvest, Aalabang.

Ayon sa 30-anyos Ronda King (2013), nagensayo siya ng todo sa nakalipa sna limang buwan upang mapaghandaan ang mga karibal matapos mabakante sa nakalipa sna tatlong taon sa taunang cycling marathon na itinataguyod ng LBC.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Asam ng pambato ng Tabaco, Albay na matularan ang tagumpay nina Santy Barnachea ng Team Franzia at Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance sa pamosong torneo.

Nakamit ni Barnachea ang titulo noong 2011 at nauklit niya noong 2015, habang si Morales ang tanging back-to-back titlist.

“I’m just focused on winning the Ronda again,” pahayag ni Valenzuela, nakasikwat ng spot sa karera sa nilahukang qualifying events sa Tarlac City nitong November.

Makakasama ni Valenzuela sa CCN sina Warren Davadilla, two-time winner sa nabuwag na Marlboro Tour, at Julius Mark Bonzo, anak ng dati ring Tour champion na si Romeo.

Nasa grupo rin sina Jemico Brosio, Sherwin Carrera, Marven Aleonar, Juan Carlos Barrios at Jeffson Sotto sa torneo na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Tumataginting na P1 milyon ang nakataya sa 12-stage race na magsisimula sa 40-kilometer Vigan criterium sa March 3 na susundan ng 155.4km Vigan-Pagudpud Stage Two.

Lalarga ang 223.5km Pagudpud-Tuguegarao Stage Three sa March 5, kasunod ang 135.2km Tuguegarao-Isabela Stage Four sa March 6, 179.4km Isabela-Nueva Ecija Stage Five sa March 8, 111.8km Nueva Ecija-Tarlac Stage Six sa March 9, 31.5km Individual Time Trial Stage Seven at 42.14km Team Time Trial Stage Eight sa Tarlac sa March 10 at 11.

Masusukat ang katatagan ng mga riders sa 207.2km Silang-Batangas-Tagaytay Stage Nine sa March 15, 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa March 16, 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa March 17 at 50km Filinvest Alabang criterium Stage 12 sa March 18.

Makakalaban nila ang mga top riders mula sa Go for Gold, Go for Gold Developmental Team, Bike Xtreme, Philippine Army-Bicycology Shop, Nueva Ecija, Ilocos Sur, South Luzon at Tarlac Province.