Ni JIMI ESCALA

KABALIGTARAN ng tsismis na may police escort daw si Mark Bautista sa PMPC Star Awards, wala kaming nakitang kasama ng kontrobersiyal na singer na isa sa performers sa awards night sa Performing Arts ng Resorts World nitong Linggo ng gabi.

MARK copy copy

Dalawang babae lang ang kasama ni Mark nang makasalubong namin sa backstage ng Resorts World papunta sa kanyang dressing room. Hindi rin siya umiiwas sa mga nakasalubong niya, siya pa nga mismo ang unang bumati.

Relasyon at Hiwalayan

Nadia, kinumpirmang nasa poder na ni Baron ang anak nila

Sa totoo lang, si Mark pa nga ang iniwasan ng reporters nang gabing ‘yun dahil may unang pasabi sa lahat na bawal siyang interbyuhin.

Samantala, may nakausap kaming tagapagtanggol ni Mark na nagtanong sa amin kung nakabili na kami ng libro ng Viva artist.

“’Yung iba kasi diyan, eh, tinitira si Mark, eh, hindi pa naman nila yata nabasa ‘yung isinulat niya sa libro.

Kumbaga, sumakay lang sila sa isyu, eh, hindi pa nila nakita maski yung cover lang ng libro,” sey pa ng kausap namin na nagsabing wala naman daw siyang nabasang kontrobersiyal na topic sa aklat.

“Siguro medyo pinag-uusapan dahil may mga inamin si Mark doon at may mga nadadamay na personalidad, pero wala naman siyang binanggit ni isang pangalan,” sey pa niya.

May tatlong partikular na nabanggit daw si Mark kaya pinag-uusapan ang libro.

“First, sinulat niyang may isang malayong kamag-anak na nagtangkang pagsamantalahan siya nu’ng bata pa siya. Then, ‘yung sinasabing nagkaroon siya ng affair sa isang lalaki na aminado rin naman siya na minahal din naman niya but kailangan na hiwalayan niya dahil sa pagiging seloso raw.

“’Yung pangatlo, eh, pag-amin niya na nakipag-fling siya sa isang kaibigang artistang lalaki, nang tatlong ulit na maaring naging dahilan daw kung bakit hiniwalayan ng girlfriend nito ang nasabing taga-showbiz na actor.”

Nabasa rin niya ang inamin ng singer na panliligaw noon kay Sarah Geronimo na hindi na itinuloy sa kung anumang kadahilan.

Wala na raw ibang binanggit si Mark na kahusga-husga. Hindi naman daw nabanggit ang pangalan ni Piolo Pascual, kaya nakapagtataka kung bakit pilit na idinamay ang sikat na Kapamilya actor.