volleyball copy

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

8 am Adamson vs. Ateneo (m)

10 am La Salle vs. UE (m)

2 pm Adamson vs. Ateneo (w)

4 pm La Salle vs. UE (w)

MAKABALIK sa winning track ang tatangkain ng defending women’s champion De La Salle University habang ikatlong dikit na panalo naman ang target ng kanilang archrival Ateneo de Manila sa dalawang magkahiwalay na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Pinigil ng kasalukuyang league leader at nag-iisang unbeaten squad National University ang three-game winning streak ng Lady Spikers sa nakaraan nilang laro.

Kaya naman sisikaping makabawi ng tropa ni coach Ramil de Jesus sa pagsagupa nito sa bokya pa ring University of the East sa huling laro ngayong 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang women’s game sa pagitan ng Lady Eagles at Adamson Lady Falcons ganap na 2:00 ng hapon.

Matapos mabigo sa unang dalawang laban, nagtala ng dalawang sunod na panalo ang Lady Eagles kontra University of Santo Tomas at University of the East.

Gaya sa naitalang unang dalawang panalo, tiyak na muling ipapamalas ng Lady Eagles ang “Happy-happy” at “heartstrong” mantra ng kanilang coach na si Tai Bundit para sa target nilang ikatlong sunod na panalo.

Mauuna rito, tatangkaing kumalas ng reigning men’s champion Ateneo na kumalas sa kasakukuyang pagkakabuhol nila ng National University sa ikalawang puwesto sa pamamagitan ng pagpuntirya ng kanilang ika-4 na sunod na panalo matapos ang kabiguan sa una nilang laro kontra FEU.