Ni REGGEE BONOAN

DUMATING na sa bansa ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino plus Bincai mula sa siyam na araw na bakasyon sa Amerika kung saan tahimik na nag-celebrate ng 47th birthday ang Queen of Online World at Social Media.

Bimby at Kris copy

Matiwasay ang 13-hour flight nila kaya hindi siya groge nang salubungin sila ng KCAP staff na si Jack Salvador sa airport nitong Lunes ng gabi.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Natuwa si Kris pagdating ng bahay dahil sangkaterbang regalo ang bumungad sa kanya para sa post birthday celebration niya.

Nagustuhan niya nang husto ang white balloons na may malaking letrang K na napapalibutan naman ng mga pink na lobo.

Post ni Kris sa kanyang IG account, “Because this balloon wall took my breath away -- so it deserves a solo picture @iflix.ph had @blloons_ create it for me, I am super kilig. Good night.”

Inisa-isang pasalamatan ni Kris ang mga nagpadala ng regalo sa kanya.

“I wasn’t expecting more birthday surprises thank you for the gifts waiting for me @iflix.ph, @everbilenaofficial, @dioceldosy, @chefflorabel @kerastase_official, my super loyal friend @snr_official owner Susan Co, @perrylansigan, my love Aimee of @loveluxebags @adobomall, @uratexpremium, @mybabypat, Ate Nene (our flower supplier), @nespresso_ph, @petalier_ and everyone else who sent so much food. I am extremely GRATEFUL! Hot shower & hopefully I fall asleep early enough. Looking forward to finally shooting some cooking Webisodes for you w/ @chefjaclaudico - making UniPak Spanish Sardines recipes perfect for Lent. #Home#Loved.”

Back to work na kaagad si Kris kahapon at araw-araw iti hanggang Pebrero 28, sabi ng staff niya.

Simula naman sa unang linggo ng Marso ay ikukulong na siya sa isang undisclosed area para sa shooting ng horror movie niya gor iflix na ididirihe ni Adolf Alix