Ni NITZ MIRALLES

BUKOD kina Matthias Rhoads, Vince Vandorpe, Dave Bornea at Renz Fernandez, may isa pang bagong pasok na karakter sa The One That Got Away na ikinagulat at ipinag-react ng Kapamilya at Kapuso viewers.

kELLY copy

Ang tinutukoy namin ay si Kelly Day na gumaganap sa karakter ni Toni, friend ni Sam (Migo Adecer) na galing din sa Australia. Nag-swak si Kelly sa eksena nina Migo at Rhian Ramos dahil pare-pareho silang inglisero’t inglisera.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

May nabasa nga kaming comment na para raw siyang nanood ng American TV series dahil inglisan nang iglisan ang tatlo.

Bagay sila ni Migo kung gagawin silang love team.

Kaya nasabi naming nag-react ang Kapamilya viewers dahil member ng GirlTrends si Kelly at regular na napapanood sa It’s Showtime. Kilala rin siyang ex-girlfriend ni Iῆigo Pascual at nali-link kay Tommy Esguerra.

Gustong malaman ng Kapamilya viewers kung hindi na siya kasama sa GirlTrends, kung wala na ba siya sa ABS-CBN at kung lumipat na sa GMA-7 si Kelly?

Nagulat naman ang Kapuso viewers nang mapanood si Kelly sa TOTGA dahil ang alam nga nila ay ABS-CBN talent ito. Gaya ng Kapamilya fans, nagtatanong din ang Kapuso viewers kung lumipat na sa GMA-7 si Kelly.

Wala pang sagot si Kelly sa mga tanong at ang nabasa lang namin, in-announce niywng siya si Toni sa TOTGA:

“Maraming salamat po pa mga positive comments at support ninyo. I’m so blessed to be working with an amazing group of people, and I can’t wait to learn and experience more.”