Ni JIMI ESCALA

WALANG diretsong kasagutan si Iñigo Pascual kapag tinatanong tungkol sa status ng relasyon nila ng “special someone” niyang si Maris Racal.

Maris at Inigo copy

“Right now we’re working together. If we have something na, we don’t have to force it and if there is something between us, eh, there is something na between us. Pero we don’t have to force things,” sabi ng anak ni Piolo Pascual.

Rufa Mae sa hirit na maging host ng It's Showtime: 'I regular myself haha'

Kung bibigyan daw ng label ang relasyon nila ni Maris, ang bukod tanging mababanggit niya ay “soulmate” niya ang dalaga.

“’Yun naman talaga ang masaya, I was able to share my passion. I feel I am talking to myself when I’m with her,” sey ni Iñigo.

Dagdag pa ng binatilyong singer/actor/video jack, hindi pa niya masasabing “sila na” ni Maris.

“We’re not in a relationship, but definitely, I see her as very, very special to me. A very dear person to me as a friend. Someone that I am able to share my passion, sobra-sobra ko siyang naa-aprreciate,” sey pa ni Iñigo.

Pagdating naman sa kanilang career, very happy sila sa naa-achieve nila.

“She’s on TV, she’s in movies, she’s in the music industry, now she’s number one on iTunes and I don’t want to be that persosn that kinda hinders or kinda blocks that pathway for her,” banggit pa niya.