Ni Leonel M. Abasola

Nagdeklara ng giyera kontra fake news, disinformation at misinformation si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Hinimok din ni Andanar ang may 1,600 information officer ng mga ahensiya ng gobyerno sa kauna-unahang National Information Convention sa Davao City na makiisa sa giyerang ito ng PCOO.

Aniya, kailangang bumaba sa grassroots level o sa mahihirap na lugar ang pamahalaan upang makontra ang mga nagpapakalat ng fake news.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Una nang itinakda ni Senator Grace Poe sa susunod na linggo ang pagdinig ng Senate committee on public information sa usapin ng fake news, na inaasahang dadalo sina Andanar at Presidential Special Assistant Bong Go.

Sinabi ni Andanar na ang mga information officer ang pag-asa ng gobyerno na maipararating sa taumbayan, hanggang sa mga liblib na lugar, ang mga tamang impormasyon partikular sa mga serbisyo at repormang ginagawa ng pamahalaan.

Tinukoy ding halimbawa ni Andanar ang aniya ay fake news laban kay Go, na napabalitang nakialam sa frigate deal ng Philippine Navy, na inaprubahan ng nakalipas na administrasyon.

Hinimok din ni Andanar ang mga pribadong media entity na makipagtulungan para masugpo ang fake news at disinformation sa bansa.