Ni Reggee Bonoan
HINDI maipinta ang mukha ng ilang grupo ng fans na nakatsikahan namin dahil sila kuntento sa programa ng kanilang idolo.
Paano mo po susuportahan ang isang serye kung hindi naman bida si _____ (idolo nila). Kung baga support lang po.
Nangako naman ang management na dalawa silang bida, pero hindi po pala. Nakakasama lang po ng loob.”
Ano nga ba ang nangyari at hindi bida ang idolo nila?
“Eh, kasi po nabago raw ang script. Dapat daw po talaga, bida rin si _____ (idolo nila) kaya nagulat po talaga kami kung bakit naiba. Pero sabi naman ni _____ (idolo nila), sumuporta kami kasi pangalan din niya ang nakataya.
“So, wala po kaming choice kasi nakiusap naman. Pero sana po, ‘pag sinabing bida, dapat bida, hindi suporta lang,” sentimiyento de asukal ng grupo ng supporters na kausap namin.
Sana lang mapanindigan ng bida ang programa niya para hindi naman siya mapahiya sa mga kasama niya na mas magagaling umarte kaysa sa kanya.