Ni Leonel M. Abasola

Ibinasura ng Senate Ethics Committee, sa magkakahiwalay na botohan, ang ethics complaint laban kina Senators Leila de Lima, Panfilo Lacson, at Antonio Trillanes IV.

Sa mosyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, nagkaisa ang mga senador na ibasura ang reklamo ni dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon laban kina Lacson at Trillanes.

Iginiit ni Drilon na malinaw na “forum shopping” ang ginawa ni Faeldon dahil iniimbestigahan na ng Senado ang akusasyon laban dito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It’s clearly a forum shopping. The privilege speech is a subject of an investigation by the blue ribbon and therefore whether or not the allegations are true remains to be tackled in the committee report of the blue ribbon committee. So in this instance, I’m expressing an opinion, this appears to be a forum shopping because the matter should be first discussed and tackled in the Blue Ribbon…” sinabi ni Drilon tungkol sa kaso laban kay Lacson.

Sa kaso naman ni Trillanes, sinabi ni Drilon na hindi naman malinis ang konsensiya ni Faeldon.

“Mr. Faeldon does not exactly come to the committee with clean hands because…We have this doctrine in law, he who comes to court must come in clean hands,” ani Drilon.

Sa kaso ni De Lima—na isinampa ni Atty. Abelardo de Jesus kaugnay ng pag-uutos umano ng senadora sa driver na si Ronnie Dayan na huwag siputin ang pagdinig sa Kamara—nagkaisa ang mga senador na ibasura ito dahil may kaparehong kaso na ang senadora sa korte.