Ni Annie Abad
UMAPELA si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz bilang kinatawan ng mga national athletes sa pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) na resolbahan ang isyu sa liderato ng kumite at ituloy na ang eleksyon.
Ayon kay Diaz, masakit para sa kanya na makita nagkakawatak watak ang kumite na dapat sana ay nag-aalaga sa kapakanan ng mga tulad niyang atleta na nagbibigay ng karangalan para sa bansa ukol sa isang simpleng bagay na dapat sana noon pa ay naisaayos na, ang paghalal sa mamumuno rito.
“It pains me to see that the organization that is supposed to act as the guiding light for sports in the country is so divided on something that should be so basic--to elect its leaders in free, fair and credible elections,” bahagi ng pahayag ni Diaz na kanyang inilathala sa kanyang social media account.
Hindi umano makakabuti para sa mga atletang tulad niya na nagsasakripisyo para sa bansa ang sumalo sa negatibong epekto ng pagkakahati ng nasabing kumite.
“I would like to appeal to our leaders here today to put an end to all this political noise besetting our main sports body and conduct free, fair and credible elections that will determine the leadership of sports in the country,’pagdidiin pa ni Diaz.
Samantala, ito rin ang panawagan ni Rep Mikee Romero ng 1Pacman Partylist, na palitan na sa puwesto si Jose “Peping” Cojuangco bilang presidente at ituloy na ang eleksyon ng POC.
“We need new direction, new energy and renewd focus. The longest-serving POC president has put the country;s sports program to it’s lowest ever records. It’s time for a fresh start,” ani Romero.