NAGBABALIK si Jackie Chan sa big screen para sa kanyang maaksiyong sci-fi movie na Bleeding Steel.

Mula sa direksiyon ni Leo Zhang, ang Bleeding Steel ay tungkol sa Special Agent na si Lin Dong (Chan) na nalagay sa alanganing sitwasyon na kinailangan mamili sa kanyang pamilya o sa sinumpaang tungkulin.

JACKIE copy copy

Nakatanggap siya ng tawag mula sa hospital na gumagamot sa kanyang anak na may leukemia. Dahil sa kritikal na kondisyon ng anak, nagmadali siyang pumunta sa hospital. Ngunit tumawag din kanyang katrabaho para sa biglaan at delikadong misyon.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Ayon sa impormasyong ibinigay kay Lin, nanganganib ang buhay ni Dr. James, isang importanteng witness na nangangailangan ng proteksiyon ng pulisya. Ngunit bago pa man makarating ang mga pulis sa kinaroroonan ni Dr. James, nag-inject na ito ng chemical substance na nakatago sa isang mechanical heart.

Nang makarating ang mga pulis para ilipat siya sa mas ligtas na lugar, bigla naman silang sinugod ng mga armadong kalalakihan. Halos lahat ng mga miyembro ng team ni Lin ay namatay sa ambush.

Makalipas ang 13 taon, ano na kaya ang nangyari kina Agent Lin, sa kanyang anak, at sa misteryosong si Dr. James na maaaring maging susi sa advanced ngunit napakadelikadong teknolohiya?

Hitik sa aksiyon at nakatatawang mga eksena ang Bleeding Steel, dalawang bagay na trademark ng Jackie Chan movies. Sa pelikulang ito pinaghalo ng Martial Arts Superstar ang kanyang popular na action moves at mga bagong fighting styles na swak sa isang sci-fi action film.

Ang buong pelikula ay shot on location sa Taipei, Beijing at Australia. Isa sa mga dapat abangan ay ang astig na fight scene ni Chan sa tuktok ng Sydney Opera House.

Palabas na ang Bleeding Steel sa mga sinehan nationwide simula ngayong araw. Mula sa Vivs International Pictures at MVP Entertainment.