Ni Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac – Sugatan ang tatlong katao sa salpukan ng isang tricycle at motorsiklo sa Barangay Bulo, Victoria, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasugatang si Rose Castillo, 20, pasahero ng Honda tricycle na minamaneho ni Mylene Candao, 38, may asawa, ng Purok Pag-asa, Bgy. Bulo, Victoria, Tarlac.

Sugatan din si Jonathan Perez, 19, driver ng Rusi motorcycle; at angkas na si Mark Anthony Gacutan, 33, kapwa taga-Bgy. San Jacinto, Victoria, Tarlac.

Probinsya

Bangkay ng babaeng binigti umano ng mister, natagpuang nakasilid sa ilalim ng kama!

Dakong 8:50 ng gabi at patungo ang tricycle sa timog nang aksidenteng makabanggaan ang kasalubong na motorsiklo.