Ni Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senador Nancy Binay na ipatupad ang “zero-waste” tourism policy sa isla ng Boracay sa Aklan, upang maisalba ang yamang tubig ng isla, na pangunahing atraksiyon sa bansa at tinaguriang pinakamagandang isla sa buong mundo.

Kasabay nito, itinakda ng Senate Committees on Environment and Tourism sa Marso 2 ang petsa ng pagdinig hinggil sa kontrobersiya.

“Ang sabi nga, ‘what happens now determines what will happen to the world’. That is why it is imperative to conduct a multi-level inquiry on what is being implemented by the LGUs for us to strengthen environmental laws in line with the current environmental conditions facing the country,” pagpapaliwanag ni Binay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isiniwalat din ni Binay na ang labis na komersyalisasyon, polusyon at ang napakaraming tao ang nakasisira sa ating kalikasan.

Samantala, binanggit din niya na ayon sa ginawang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), sa pagitan ng 2010 at 2015 ay masisira na ang isla ng Boracay.

Ang pag-aaral umano ay binalewala ng pamahalaan, kaya nasisira na ngayon ang isla.

“Over-commercialization has compromised the island’s natural beauty. But there is still hope. What we can do is to make Boracay a model of responsible tourism, at pagsikapan nating ibalik ang dating alindog ng isla,” dugtong pa ni Binay.